Sa mga kapwa ko empleyado ng COMELEC

Dahil sa mga bali-balitang kumakalat na ako raw ay isang ‘union buster’, ‘pro-management’, ‘diktador’, ‘one-man team’ at marami pang iba, minabuti kong maglinaw hinggil dito.

Nagsimula ang lahat ng ito noong Marso 4, 2011, nang ako ay naglabas ng internal na liham sa kapwa ko miyembro ng Board of Officers ng ating unyon, ang Alliance of COMELEC Employees in Service (ACES).

Nakasaad sa aking bukas na liham ang aking mahigpit na panawagan para sa prinsipyadong pagkakaisa para maisakatuparan na ang isa sa mga krusyal na prosesong dapat pagdaanan ng ating unyon: ang rehistrasyon sa Bureau of Labor Relations (BLR) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Hindi ako naninira ng unyon. Bagkos, gusto kong patatagin ang ating unyon para magsilbi sa kapakanan ng mga kawani ng COMELEC.

Lalong lalo na na hindi ako, pro-management. Patunay dito ang aking marubdob na pagsandig sa prinsipyo ng militante, progresibo, makabayang unyonismo bilang susi sa tagumpay ng mga empleyado ng gubyerno.

Diktador? Pumaloob ako sa desisyon ng Board noong Marso 4 na i-subject sa ‘revision’ ang ating Constitution and By-Laws, kahit hindi naman malinaw na maipaliwanang ng mga proponent ng ‘revision’ ang mga batayan nila para baguhin ang ating Constitution.

Dalawang buwan matapos ang pulong na iyon, napakasakit na isipin na wala pa ring pag-usad ang proseso ng rehistrasyon ng ating unyon. Nakasalalay pa naman dito ang pagkilala sa ating union bilang ‘sole and exclusive negotiating agency agent’ na kakatawan sa kapakanan at kagalingan ng mga rank and file.

Narito ang aking open letter sa ACES Board. Kayo na po ang humusga.

Muli marami pong salamat!

Mac Ramirez

Vice-President for Internal Affairs

Chairman, Committee on Labor Education and Research

Alliance of COMELEC Employees in Service

Mayo 2, 2011

1 Comment

Filed under What's happening?

One response to “Sa mga kapwa ko empleyado ng COMELEC

  1. What are the reasons given by Madame President for withholding her signature on the CBL and its alleged dilatory moves to register and finalize the legalization process of ACES? What was the brilliant explanation for booting out COURAGE during the PSU Seminar, to be replaced only by a Mr Lopez? Ayaw ba ng karamihan ng kasalukuyang opisyales ng ACES ng isang progresibo, palaban, at militanteng COMELEC union? Gusto ba ninyo ng sunod-sunurang unyon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s